Feel free to open our blogspot ! xD
Edited by CkiD

Friday, November 16, 2012

Kasaysayan ng Gen Licerio Geronimo Memorial National High School



Licerio Geronimo
Si Licerio Geronimo (27 Agosto 1855 – 16 Enero 1924) ay isang heneral sa Rebolusyonaryong Pamahalaan ni Emilio Aguinaldo. Siya ang nakipaglaban kay Hen. Henry Ware Lawton, noong 19 Disyembre 1899. Ang sagupaang ito ay tinawag na “Battle of Paye”, na ikinasawi ni Heneral Lawton at 13 pang Amerikano.


Pinag-ugatan

Isinilang at lumaki si Geronimo sa SampalocMaynila. Lumipat ang kaniyang pamilya sa MontalbanRizal. Maagang tumulong sa paghahanap buhay si Geronimo, dahil namatay ang kaniyang ama noong siya ay bata pa. Siya ang naging katuwang ng kaniyang ina sa paglalako ng rattan at panggatong sa kanilang lugar. Dahil madalas sa kagubatan si Geronimo, siya ay naging magaling na mangangaso. Marunong magbasa at magsulat si Geronimo, kahit hindi siya nakapag-aral sa paaralan. Mahilig siyang magbasa ng mga tula at uamarte. Ang kaniyang lolo ang nagpakilala sa kaniya kay Andres Bonifacio, na naging pondasyon ng kaniyang paniniwala at panuntunan.

Katipunero

Nang itatag ang Katipunan, si Geronimo ay sumali at siya ang naatasang mamuno sa konseho ng Wawa, Montalban. Bilang pinuno, nangalap siya ng kaniyang kawal sa San Mateo, Marikina at Rizal. At nang siya ay may sapat ng kawal, kasama ang kaniyang grupo sa mga rebolusyonaryong lumusob sa San Juan del Monte. Noong 1897, si Geronimo at ang kaniyang mga tauhan ay muling sumali sa paglusog sa Purog, na ikinasawi ng maraming kalaban.
Nang ipapatay si Bonifacio ng Magdalo, si Geronimo ay naatasang mamuno sa buong lalawigan ng Rizal. Matapos ang matagumpay niyang misyon sa San Rafael, Bulacan, siya ay ginawaran ng ranggong heneral ni Hen. Emilio Aguinaldo. Si Geronimo at ang kaniyang mga kawal ang responsable sa pagtatanggol ng Bundok Puray at Biyak na Bato. Siya rin ang ginawang kumander ng ikatlong sona, na nasasakop ang Maynila at Rizal.

Pakikidigma sa mga Amerikano

Nagpatuloy sa pakikibaka si Geronimo at ang kaniyang mga kawal, hanggang sa pagdating ng mga Amerikano. Ang grupo nina Geronimo ay nakipaglaban sa San Mateo, at doon napatay nila si Hen. Henry Ware Lawton at ibang opisyal ng Amerika. Ikinagulat ng mga nakarinig ng balita ang nasabing pagkakapatay ni Geronimo kay Lawton, dahil ang alam ng nakararami, si Geronimo ay bihag na ni Lawton.
At bago matapos ang Digmaang ng Filipino-Amerikano, Si Geronimo ay sumuko sa mga Amerikano at lumagda ng kasunduan sa pamahalaan nila. Siya ay nagtrabahao sa pamahalaang Amerikano at naging inspektor ng Philippine Constabulary, at inatasang hanapin ang mga bandido at mga dating kawal upang isuko. Si Geronimo ay kabiling sa mga tumugis kay Hen. Luciano San Miguel at mga kasamahan, na ikinasawi ni San Miguel.
Bilang pagkilala sa kaniyang kagitingan, ipinangalan kay Geronimo ang isang barangay at ang Licerio Geronimo Memorial National High School na matatagpuan sa Rodriguez, Rizal, at isang kalye sa Sampaloc, Maynila.

No comments:

Post a Comment